• Fri. May 23rd, 2025

THE CHAMPIONS CUP – EASTER SPECIAL

Avatar

Byadmin

Apr 7, 2025

Marie Estillaba
Sports Tribe

Pumalag ang Swim League Philippines Patriots 🇵🇭 sa pamumuno ng SLP Director Coach Zaldy Lara sa
mga naglalakihang Teams tulad ng San Beda Swimming Team at National Academy of Sports sa League of Champions III Easter Special ang 2 day event na naganap sa NCC Capas , Tarlac.

Ang mga manlalangoy ay mula sa Developmental Grassroots Program ng Swim League Philippines na lumahok sa “Open” Category per age bracket
(Walang Class A, B , C at D) na huli pang naisagawa ng dating NSA sa Swimming ang Philippine Swimming Inc. (PSI)

Ang layunin ng Champions Cup ay para mag “bakbakan” ang pinaka mahuhusay at mabibilis na manglalangoy sa bansa ito ay taliwas na sa mga isinasagawa ngayon.

Pinangunahan ng dating Philippine Olympic Swimming Coach na Si Archie Lim at ng CAL Swim School ang nasabing palaro sa kolaborasyon ng CNLCSCA sa ilalim ng kanilang Pangulo at PAI Region III Director, William Biboy Asturias at ng Swim League Philippines sa pamumuno ni Fred Galang Ancheta ang SLP President at Regional Director ng PAI sa National Capital Region.

“We need to level-up and be at par with our neighboring countries, we cannot remain mediocre, we owe it to our swimmers, coaches, parents who believe in us, we owe it to our country.
We need a concrete, strategic and inclusive program, a platform where our athletes can excell.”
ayon kay Fred G. Ancheta

Lumahok ang ilan sa mga miyembro ng National Junior Swimming Team tulad nila TJ Amaro at Riannah Coleman, ilan sa mga inaabangan na magiging pambato ng ating bansa sa mga International Swim Meets. Asahan ang mas malaking paligsahan tulad nito ang magaganap sa nalalapit na panahon na sa ngayon pa lang ay binigyan na ng suporta ng pinaka malalaking Teams at National Swimming Coaches sa bansa.”

Avatar

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!