New Muntinlupa Aquatic Center A World Class Facility

0 Comments

City Government of Muntinlupa

“I would like to congratulate the City of Muntinlupa, for this amazing facility na first time in Metro Manila that we have this kind of facility, and the hardworking people behind this world-class facility. And I hope na it will really help the grassroots swimming program in our country to help boost the grassroot development of our swimmers and athletes.”
Ito ang pahayag ni Swim League Philippines (SLP) Chairperson Joan Melissa Mojdeh matapos ang 1st Mayor Ruffy Biazon Swim Cup 2022 na ginanap sa Muntinlupa Aquatic Center noong Dec. 4 na dinaluhan ng mahigit 1,200 swimmers sa buong bansa.

Swim League Philippines (SLP) Chairperson Joan Melissa Mojdeh

Sa isinagawang Ceremonial Opening Swim, naging bahagi sina Chloe Isleta (Gold Medalist, Southeast Asian Games 2022, Vietnam), Micaela “The Water Beast” Mojdeh (2nd Filipina to reach the Semi-Finals FINA World Juniors Championships 2022, Peru), at Elgan Ciel “The Pool Dynamo” Reyes (representative from the Philippine Autism Society).
Ayon ay Mayor Ruffy Biazon, “Congratulations sa lahat ng mga lumahok at nanalo. Maraming salamat din sa ipinakitang sportsmanship ng lahat ng participants.”
Kasama ng Punong-Lungsod sa maghapong competition sina Congressman Jimmy Fresnedi, Vice Mayor Temy Simundac, Councilor Jedi Presnedi, Councilor Alexson Diaz, Councilor Paty Katy Boncayao-Barreto, at Councilor Luvi Constantino.

Naroon din sina SLP President Mr. Fred Ancheta, Solid Coaches Association of the Philippines President Mr. Ronald Nicdao, Central Northern Luzon-CAR Swimming Coaches Association President Mr. Biboy Asturias, at mga pinuno ng tanggapan sa Pamahalaang Lungsod.
Pinasalamatan nina Mayor Biazon at Congressman Fresnedi ang preparasyong ginawa ng Youth Affairs and Sports Development Office (YASDO) na pinamumunuan ni Ms. Cynthia Viacrusis, sampu ng buong staff, na silang punong-abala kasama ng SLP, sa pagdaraon ng kumpetisyon.
Ang 1st Mayor Ruffy Biazon Swim Cup 2022 ay bahagi ng selebrasyon para sa 105th Founding Anniversary ng Muntinlupa na nakatakda sa December 19.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!